Hapon palang at maliwanag pa sa labas pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, makulimlim ang loob ng opisina na tila ba isang ilegal na gawain ang isinasagawa sa lugar na ito.
*click Tuluyan nang sumara ang malaking pinto ng opisina pero biglang napatigil sa paglalakad si Epione nang makitang walang tao sa may lamesa kung saan nakatambak ang mga papeles. Iginala niya ang tingin sa loob ng opisina at nakita sa sofa ang pamilyar na lalaki. Mahaba ang itim na itim na buhok nito pero makinis at maputla ang kutis niya. Nakapatong sa nuo niya ang kaliwa niyang braso at nakapikit ang mga mata kaya sa unang tingin ay aakalain mong mahimbing itong natutulog. Pero alam ni Epione na sa kabila ng maamo nitong muka habang natutulog, nakakagimbal na bangungot ang gumagambala sa kaniya tulad ng nabanggit sa libro. Dahan dahang naglakad si Epione palapit kay Asher, nagiingat na hindi ito magising bago dahan dahang inilapag sa lamesa ang tray na hawak hawak niya. "..ugh" Napatigil ang mga kamay ni Epione nang marinig niya ang daing mula sa natutulog na si Asher at doon siya nakasigurado na binabangungot nga ito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi umaalis ng opisina si Asher. Hindi siya nakakatulog dahil sa matinding insomia at once na nakakatulog siya, mga mapapait na ala ala ang mapapanaginipan niya. Napabuntong hininga si Epione nang makita ang pagkunot ng nuo ni Asher at ang pamumuo ng pawis nito. Hindi alam ni Epione kung dapat niya ba itong gisingin o hayaan na kusang magising. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Asher once na magising itong may muka ng isang babae sa harapan niya na nangyayari lang kung may nagtatangka na naman sa buhay niya pero gayunpaman, iniunat ni Epione ang mga kamay niya sa direksyon ni Asher. Balak sana niyang tapikin ito sa braso para gisingin pero laking gulat niya nang bago paman dumampi ang mga daliri niya kay Asher, bumukas ang asul nitong mga mata bago mabilis na bumangon at tinutok sa leeg ni Epione ang isang matulis na bagay na hindi niya alam kung saan nanggaling. Masyadong mabilis ang pangyayari at namalayan nalang ni Epione na nakahawak sa may batok niya ang kaliwang kamay ni Asher at nakatutok sa leeg niya ang isang malamig at matulis na bagay. Ineexpect na ni Epione na mangyayari ang bagay na ito pero hindi niya napigilan ang pagkagulat na naramdaman niya lalo na nang magtama ang paningin nila ng lalaki. Ilang segundo din siguro silang nanatili sa ganong pwesto, walang umiimik at walang gumagalaw pero di rin nagtagal ay unti unting lumuwag ang kapit ni Asher sa batok niya at inalis ang maulis na bagay na nakatutok sa leeg niya. Malamang ay narealize na niyang si Duchess Elis, ang asawa niya, ang babaeng muntik na niyang mapatay. "Anong ginagawa mo dito, Duchess?" Mahinahong tanong ni Asher na para bang walang nangyari. "...uh" hindi agad nakasagot si Epione, hindi parin niya masink-in sa utak niya ang mga nangyari. "Hmm?" "Tea… r-right. Yung tsaa, ako yung pinadala ni manang Jema ng tsaa" Inilipat ni Asher ang tingin mula sa mga mata ni Epione papunta sa tea set na nasa tray sa lamesa. "Ayon sa pagkakatanda ko, hindi responsibilidad ng Duchess ang magdala ng tsaa para kaninoman" Tumayo si Asher mula sa sofa at inayos ang nakusot na damit bago nagsimulang maglakad papunta sa mga papeles na nakatambak sa office table. "Wala ba si butler hans sa labas? Pano ka nakapasok dito ng basta basta?" Tanong ni Asher, walang emosyon sa mga mata kaya hindi alam ni Epione kung galit ba ito o nagdududa sa motibo niya sa pagpasok dito sa opisina. "Pinayagan ako ni Butler Hans na makapasok, Duke..." Hindi umimik si Asher at tinitigan lang si Epione, malamang nagdududa kung totoo ang sinasabi niya dahil hindi si Butler Hans yung tipo na basta basta nalang nagpapapasok ng kung sino sa opisina dahil nasaksihan niya mismo kung gaano na karaming nagtangka sa buhay niya. Napabuntong hininga si Epione sa loob loob niya. Totoong may motibo siya kung bakit siya pumayag sa kagustuhan ni manang Jema na siya ang magdala ng tsaa kay Asher pero hindi para pagtangkaan ang buhay nito. Si Zeriel Delsaro ang bida ng kwento na siyang makakatuyan ni Ianna sa dulo. Base sa libro, inakala ni Asher na ang tatay ni Zeriel Delsaro ang dahilan ng pagka bankrupt ng orihinal niyang pamilya at ito din ang nagutos na ipasunog ang bahay nila noong bata siya. Akala ni Asher ay ang pamilyang Delsaro ang may kagagawan ng pagkasira ng buhay niya kaya simulat sapul ay magkaaway na ang house of Caddel at ang house of Delsaro. Pero lalo pang tumindi ang lamat sa relasyon ng dalawang pamilya nang parehong nahulog ang loob nina Duke Asher at Marquis Zeriel sa iisang babae. Sa pinaka dulong bahagi ng storya lang natuklasan ni Asher na ang pamilyang Dawson, ang pamilya ni Ianna, pala ang nanggipit at nagpapatay sa mga magulang niya noong bata siya dahil sa isang atraso. Iyon ang pinaka dahilan ng pagbigay ng damdamin ng kinakatakutang Duke at hindi na niya napigilang patayin ang mga magulang sina Count at Countess Dawson ng walang plano plano. Iyon ang pinakadahilan kung bakit binitay si Asher sa katapusan ng kwento. Gusto sanang banggitin ni Epione kay Asher ang tungkol sa bagay na iyon pero base sa obserbasyon niya, walang tiwala si Asher sa kaniya at mas lalo lang siya nitong pagdududahan kung sasabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Bukod sa walang nakakaalam na si Asher ang anak ng yumaong Baron at Baroness Veniz, ang pamilyang Aquariel, o ang pamilya ni Elis na siyang katawan ngayon ni Epione ay may magandang relasyon sa pamilyang Delsaro kaya hindi masisisi ni Epione si Asher kung wala itong tiwala sa kaniya. Napagdisisyunan ni Epione na huwag munang banggitin ang tungkol sa pamilya ng dalawang bida at subukan munang makuha ang tiwala ni Asher at ng mga tauhan niya. "my lord, pwede ba 'kong magtanong?" pagbabasag ni Epione sa katahimikang bumabalot sa silid. Hindi tumango si Asher pero hindi rin siya umiling kaya nagpatuloy lang si Epione sa pagsasalita. "Anong taon na ngayon, Duke?" "Ika tatlompu't apat na taon sa pamumuno ni Haring Ledwig Castile" Napatango tango si Epione. Hindi pa naiimbento ang kalendaryo sa panahong ito kaya binabase ang taon sa pangilang taon na pamumuno ng hari. Kung tama ang pagkakatanda ni Epione, sa selebrasyon para sa ika 35th year na anibersaryo ng pamumuno ng hari unang magkikita si Asher at Ianna kaya malamang ay hindi pa nagkikita ang dalawa. 'Pigilan ko bang magkita ang dalawa?' "May kailangan ka pa, Duchess?" Tanong ni Asher na tila ba gusto nang palayasin si Epione. "Wala na my lord” “Then you may go, paki tawag si Butler Hans paglabas mo” Tumango si Epione bago nagpaalam na aalis na. *** “Pinatawag mo ako, my lord?” tanong ni Butler Hans pagkapasok na pagkapasok niya sa makulimlim na opisina. Alam na niya kung bakit siya pinatawag ng Duke pero tinanong niya parin. “Bakit mo hinayaang pumasok si Duchess Elis?” tanong ni Asher, hindi inaalis ang tingin sa report na binabasa niya. “Hindi ba dapat, my lord?” Walang batas na nagbabawal sa Duchess na pumasok sa opisina pero iba ang sitwasyon para kay Asher na maraming kaaway at maraming gustong pumatay. “Hindi ako nakikipagbiruan Hans” matiim na sagot ni Asher at sa unang pagkakataon, itinaas niya ang tingin at seryosong tinignan si Butler Hans. Imbes na matakot tulad ng karaniwang reaksyon ng mga tao pag nakikita ang nakakatakot na tingin ni Asher, bahagyang ngumisi si Butler Hans bago muling nagsalita. “May sinabi siyang nakakainteres” “Oh?” “Sinabi niyang isa kang masipag at tapat na pinuno ng Dikonim ng Caddel” napatigil ang kamay ni Asher sa pagsusulat nang marinig niya ang sinabi ni Butler Hans. “What?” “Hindi ba’t nakakaintriga my lord? Ang babaeng nagtangkang magpakamatay ilang araw ang nakakaraan dahil sa takot na makasal sayo ay magsasabi na isa kang masipag at tapat?” “Inbestigahan mo ang bawat kilos ng Duchess” “Yes, my lord. May I ask something?” “No” “Bakit ka pumayag na maikasal sa anak ng Aquariel?” Napabuntong hininga si Asher nang magtanong parin si butler hans kahit na sinabi niyang huwag. “Alam ng lahat na magkaibigan ang pamilyang Aquariel at pamilyang Delsaro, hindi ko maintindihan kung bakit-” “We can use her, pwede siyang gamitin ng Aquariel at Delsaro laban sa ‘kin pero pwede ko rin siyang gamitin laban sa kanila” “Anong-” “Ano nang balita tungkol sa imbestigasyon sa manager ng Casino sa Capital?" Pag-iiba ni asher sa usapan. Napansin ni butler hans ang intensyon ng Duke pero hinayaan niya nalang ito at isinantabi na muna ang usapan tungkol sa Duchess. "Base sa report sakin ng mga tauhang pinadala natin sa Capital, malaking halaga na ang nakurakot ni manager Ken sa kita ng Casino nitong nakaraang tatlong buwan. Sangkot din siya sa human trafficking at ginagamit ang basemen ng Casino para ipalabas na may kinalaman din kayo, my lord, sa mga ilegal na transaksyon na nagaganap doon" "Bakit ngayon ko lang to nalaman?" "... mukang may tumutulong sa kaniya na itago ang tungkol sa bagay na ito" Sandaling napaisip si Asher, wala sa pokus ang mga mata bago muling nagsalita. "Hulihin niyo si manager Ken at imbestigahan niyo kung sino yung tumutulong sa kaniya ng patago" "Yes… anong gagawin namin kay manager Ken, my lord?" "Ipadala niyo siya dito, ako mismo ang tatapos sa buhay niya" Kalmadong sagot ni Asher na tila ba maka ilang beses na niyang sinabi ang bagay na iyon. Tumango tango si butler hans, hindi na nagulat sa sinabi ng Duke dahil mas malala pa dito ang mga nasaksihan niyang ginawa at ipinagutos ng huli.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|