Author's note: papalitan ko na po yung 'your grace' ng 'my lord'
*** "Come in" walang ano anong sabi ni Asher nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng opisina niya. Bumukas ang pinto at nakarinig siya ng hakbang ng mga paa, tanda na pumasok na sa loob kung sino man ang kumatok. Hindi inalis ni Asher ang tingin niya sa ginagawa niya pero sigurado siyang si Duchess Elis ang nasa harapan niya. Nitong mga nakaraang araw ay walang palya ang Duchess sa paghahatid ng tsaa niya sa tuwing hapon na dapat ay responsibilidad ng isa sa mga katulong. Bagamat walang pakialam si Asher kung sino man ang magdala sa kaniya ng tsaa, hindi niya maintindihan kung bakit sinasayang ng Duchess ang oras niya sa paggawa ng isang bagay na hindi naman niya kailangang gawin. Noong unang beses na makita ni Asher ang Duchess, puno ng takot ang mga mata ng nito kaya doon pa lang, napagdesisyunan na ni Asher na hindi niya papakelaman ang buhay ng babaeng mapapangasawa niya at hahayaan lang itong mabuhay ng mag-isa sa isa sa mga quarters ng kastilyo. Tutal malaki naman ang kastilyo ng Caddel, maliit lang ang chance na magkita silang dalawa lalo nat hindi halos umaalis ng opisina si Asher pero hindi niya inaasahan na ang Duchess mismo ang bibisita sa opisina niya araw araw tuwing hapon. Tahimik na pinanood ni Asher ang babaeng may blonde na buhok habang inilalagay nito ang dala dalang tray sa lamesa sa pagitan ng dalawang sofa. Nasa lamesa pa rin yung tray na dinala niya kahapon pero tahimik lang ito at hindi man lang nagreklamo. Napabuntong hininga si Epione bago binuhat yung tray na dinala niya kahapon. Walang nabawas sa tsaa sa loob ng tsarera kahit na kahapon pa ito nandoon, patunay na hindi ginagalaw ni Asher yung mga tsaang dinadala niya. "What do you want?" “Yes?” muntik nang mabitawan ni Epione yung dala dala niyang tray nang biglang magsalita si Asher. Nitong mga nakaraang araw, tanging ang mga salitang ‘come in’ at ‘pwede ka nang umalis’ lang ang bukambibig ng huli sa kanya kaya naman ganun nalang ang pagkagulat niya. “Sigurado akong meron kang motibo kung bakit mo sinasayang ang oras mo sa pagdadala ng tsaa na hindi mo naman responsibilidad” seryosong saad ni Asher, ni hindi man lang tinitignan ang kausap niya. “Hindi niyo kailangang mag alala, Duke. Gusto ko lang makuha ang tiwala niyo kaya ko ginagawa to" "Tiwala? Ano namang mapapala mo pag nakuha mo ang tiwala ko?" "Kung makukuha ko ang tiwala niyo, my lord, hindi niyo na 'ko susubukang ipagtabuyan palayo" Itinaas ni Asher ang tingin niya at napatitig sa muka ng Duchess. Hindi siya agad nakapagsalita dahil medyo nagulat siya sa sinagot nito sa kaniya. "Also, walang lason yung tsaang dinadala ko kaya pwedeng pwede niyo iyong inumin, my lord" nakangiting saad pa ni Epione bago siya bahagyang yumuko bilang paalam at naglakad palabas ng opisina. Hindi na siya pinigilan pa ni Asher pero ramdan na ramdam niya ang titig nito hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng silid. Ilang segundo ding napatulala si Asher sa nakasarang pinto ng opisina at nabalik lang ang atensyon niya nang magulat siya sa biglang pagbukas ng pinto. Napahawak si Asher sa dibdib niya at inis na napatingin kay Butler Hans na ngayon ay naglalakad na papunta sa kaniya. "Masyado ka na bang matanda at nakalimutan mo na kung paano kumatok?" Napataas ang kilay ni butler Hans nang marinig ang inis na boses ng boss niya dahil hindi naman ito ang unang beses na pumasok siya nang hindi kumakatok. "May nangyari ba habang nandito ang duchess?" "Wala, bakit ka nandito?" "Ah yes, dumating na yung mga papeles tungkol sa nangyaring pagbaha sa northern part ng teritoryo. Nandito nadin yung presyo na ka-kailanganin para sa pagpapatayo ng bahay para sa mga…" Hindi na naintindihan ni Asher ang sinasabi ng Butler dahil natuon na ang atensyon niya sa isang tambak ng papeles na dala dala nito. Akala niya ay malapit na niyang matapos ang trabaho para sa araw na ito pero mukang kailangan niya pang mag over time. Napabuntong hininga si Asher bago sumandal sa upuan niya. Sumasakit na ang ulo niya dahil dalawang araw na siyang hindi nakakatulog at mukang magiging tatlo pa ito dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang gawin. "Bakit hindi ka muna magpahiga, my lord? Ako na ang tatapos sa iba mong trabaho" suwestiyon ni Butler Hans nang mapansin ang pagod sa muka ng Duke. Hindi umimik si Asher at ilang segundong napaisip. Hindi niya alam kung makakatulog siya kung sakali mang titigil muna siya sa pag ta-trabaho. "Also, walang lason yung tsaang dinadala ko kaya pwedeng pwede niyo iyong inumin, my lord" sa hindi mapaliwanag na dahilan ay biglang pumasok sa isip ni Asher ang mga salitang sinabi ng Duchess sa kaniya kaya napatingin siya sa maliit na lamesa na pinaglalagyan ng tray na dinala nito kanina. Tumayo si Asher at naglakad papunta sa sofa at si Butler Hans naman ang pumalit sa pwesto niya para ipagpatuloy ang trabahong hindi niya natapos. Sumalampak si Asher sa malambot na sofa bago inabot ang tsarera sa harapan niya at nagsalin ng tsaa sa maliit na tasa. Kasabay noon, humalimuyak ang mabangong amoy ng tsaa na ibang iba sa amoy na nakasanayan ni Asher. Hindi niya alam kung anong klaseng tsaa ang tinimpla ng Duchess para sa kaniya pero sigurado siyang wala itong lason dahil gawa sa pilak ang tasang pinagsalinan niya at isa pa, isa pa isa sa mga kakaibang katangian g katawan niya ay ang pagiging immune sa ibang lason. Ang katangiang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay parin siya sa dami ng kaaway niya. Walang alinlangang ininom ni Asher ang tsaa pero agad siyang napatigil at napatitig sa tasa. "Hans" Nilipat ni Hans ang tingin mula sa mga papeles na binabasa niya papunta sa Duke na tulala sa kung saan. "My lord?" "Ano nang balita sa imbestigasyon tungkol sa Duchess?" "Madalas na gumigising ang Duchess tuwing ika pito ng umaga, pagkatapos mag agahan ay sasamahan siya ni manang Jema sa paglilibot sa kastilyo at makikipag salamuha sa iba pang mga katulong bago babalik sa main quarters at magtatanghalian. Pagkataoos noon ay magsisimula na silang ihanda ang tsaa na dadalhin ng duchess-" "Ang Duchess mismo ang nagtitimpla ng tsaa?" "Yes… paano mo nalaman, my lord?" Imbes na sumagot ay umiling iling lang si Asher. Ibinalik niya ang tuon sa tasa sa kamay niya at pinagpatuloy ang paginom ng tsaa. Hindi niya alam kung bakit at kung paano pero nakaramdam siya ng kakaibang relaksyon nang matikman niya ito at unti unting nawawala ang pagod niya. Hindi mahilig sa tsaa si Asher at paminsan minsan lang siyang umiinom nito pero sigurado siyang may kakaibang nilagay ang duchess sa iniinom niya. *Achoo! Napahawak sa ilong si Epione nang bigla siyang napabahing. "Oh my, may sakit ka ba duchess? Bakit hindi muna tayo pumasok sa loob? Sa ganitong buwan talaga unti unti nang lumalamig ang panahon dahil papalapit na ang taglamig" nagaalalang tanong ni manang Jema. Napailing iling si Epione bago natatawang nagsalita "Wala akong sakit manang, meron lang sigurong nagiisip tungkol sakin kaya bigla akong napabahing" "Kung ganon… magsuot ka man lang ng makapal na damit Duchess, hindi natin pwedeng hayaang magkasakit ang mistress ng Caddel" sagot ni manang Jema bago inutusan yung isa sa pinaka malapit na katulong na kumuha ng makapal na coat. Hindi na umangal pa si Epione tutal medyo nilalamig narin naman din siya dahil kanina pa sila nangongolekta ng mga bulaklak na ginagamit nila sa paggawa ng tsaa para sa Duke. Nabasa niya noon sa orihinal na libro na merong tsaa na tumutulong kay Asher na kumalma at makatulog ng maayos. Gawa mula sa isang mahiwagang bulaklak ang tsaang iyon na namumulaklak lang sa lugar na nababalot ng mana at iyon ang bulaklak na kasalukuyang kinokolekta nina Epione. Sa orihinal na storya, si Ianna, ang bida, ang nagturo kay Asher sa pagtimpla ng tsaang iyon nang malaman niyang may matinding insomia ang huli. Pero dahil misyon ni Epione na makuha ang tiwala ng Duke, ginamit niya ang kaalaman niya tungkol sa libro para gumanda ang tingin sakaniya ni Asher. Hindi mapigilan ni Epione na mapangiti habang kinokolekta ang mga mahihiwagang bulaklak sa tabi ng manmade pond sa malawak na kastilyo na tinitirhan niya bilang Duchess. Nakakaramdam ng excitement si Epione sa tuwing naiisip niya na nasa loob siya ng paborito niyang libro at alam niya ang mga nakatakdang mangyari. Pakiramdam niya ay ang tali-talino niya sa sitwasyong ito pero agad na nawala ang ngiti niya nang maalala na hindi iniinom ni Asher ang pinaghirapan niyang tsaa. Napabuntong hininga siya bago tumayo ng tuwid, hawak hawak yung mga mahiwagang bulaklak na nakolekta niya. Mag i-isang buwan na ang lumilipas mula ng napadpad si Epione sa mundong ito pero pakiramdam niya ay wala parin siyang nagagawa. Bagamat isang taon pa ang meron siya bago magkita si Asher at Ianna na siyang isa sa mga eksenang dapat niyang pakealaman o pigilan, hindi siya natutuwa na wala pa siyang progresong nagagawa sa pagkuha ng tiwala ni Asher. Napailing iling si Epione bago nagsimulang maglakad pabalik sa kastilyo. Sinubukan niyang kalimutan ang mga negatibong bagay na naiisip niya at palitan ito ng positibo. "It's ok…" bulong ni Epione sa sarili bago tumingala sa direksyon ng bintana ng opisina ni Asher. Nakasara ito at nakatakip ang isang itim na kurtina pero kahit na ganon, bumulong si Epione na parang si Asher ang kausap. "Magiging ayos din ang lahat… Sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa pagkakataong ito…" Footnote:
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|