Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, nakatulog ng maayos si Asher at sigurado siyang dahil iyon sa kakaibang tsaa na pinainom sa kaniya ng Duchess.
Simula noon, hindi namalayan ni Asher na lagi na niyang inaabangan na dumating ang hapon at ang pagdating ng Duchess. "Ganon ba kasarap yung lasa ng tsaa para araw araw niyong abangan, duke?" Napatigil sa paginom si Asher nang marinig niya ang kumento ni Butler Hans. Kaka alis lang ng Duchess para ihatid yung tsaa para sa araw na ito pero tulad noong mga nakaraang araw, agad na itinigil ni Asher ang ginagawa niya para inumin iyon. "Hindi mo na kailangang alamin" matipid na sagot ni Asher sa kaniya bago ibinalik ang tuon sa iniinom niya. Napakunot ang nuo ni Butler Hans dahil sa kakaibang kinikilos ng Duke. Ngayon, mas lalo siyang nagkakainteres sa kung anong meron ang tsaa para umasta ng ganito ang tinaguriang 'Duke of death'. Isang beses ay tinanong ni butler Hans sa Duke kung pwede niya bang tikman yung tsaa dahil sa kuryosidad na nararamdaman niya pero tandang tanda niya pa kung paano siya nito tinanggihan. Pinanliitan siya ni Asher ng mga mata at inilayo sa kaniya yung tray na pinaglalagyan ng tsarera at mga tasa bago nagsalita. "Tinimpla 'to ng Duchess para sakin, sino ka para tikman 'to?" Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Butler Hans sa sinabi sa kaniya ng Duke pero hindi na siya nagkomento pa dahil baka madagdagan lang ang mga puti sa buhok niya. Kitang kita mula sa bintana ng kwartong tinutuluyan ni Epione ang magandang panahon. Kadalasan sa ganitong panahon ay kasama niya si manang Jema at ang iba pang katulong sa paglilibot libot sa kastilyo at pangongolekta nung mahiwagang bulaklak na ginagamit niya sa pagtitimpla ng tsaa ni Asher pero wala siyang ganang bumangon ngayong araw. "Duchess, masama ba ang pakiramdam mo?" Ito na ang ika tatlong tanong ni Manang Jema kung ayos lang ba si Epione. "Ayos lang manang" walang ganang sagot ni Epione, walang buhay na nakatitig sa kisame habang nakahiga sa malambot at malaking kama. Kanina pa nag aalala para sa kaniya sila manang Jema pero wala talaga siyang gana ngayong araw. Napansin ni Epione na iniinom na ni Asher yung tsaang dinadala niya para dito pero hindi tulad ng inaasahan niya, malamig parin ang turing nito sa kaniya at hindi siya kinakausap. Napasimangot si Epione. "Walang utang na loob..." "Hmm?" Napatigil si Epione sa pagbulog bulong nang maalalang nasa tabi niya lang si manang Jema. Napabuntong hininga si Epione sa ika sampung pagkakataon bago nagpasyang bumangon. Kung hindi effective ang tsaang dinadala niya para kay Asher, hahanap na lang siya ng ibang paraan. Tatayo na sana si Epione mula sa kama at maghahanda para sa pagpaplano niya sa sunod niyang gagawin nang may kumatok sa pintuan ng silid. "Duchess!" Halata sa boses ng kumakatok ang pagkataranta kaya naman agad na naglakad si Epione papunta sa may pinto oara pagbuksan ito. "Anong problema?" "May bisita tayo galing Capital, Duchess" "Oh? Sino daw." "Ang ikatlong prinsepe* po duchess, si prince Alvin" Nanlaki ang mga mata ni Epione nang marinig ang pangalan ng bisitang dumating. Si prince Alvin ang isa sa mga supporting character sa orihinal na libro. Isa siya sa mangilan-ngilang tao nakakasundo si Asher kaya hindi na kataka taka kung bibisita siya dito pero sa kasamaang palad, dadating ang panahon na magkakagalit ang dalawa dahil magkakagusto din si prince Alvin sa bidang si Ianna. Isa sa mga paboritong karakter ni Epione si prince Alvin, bagamat kilala si prince Alvin bilang siraulo at may maluwag ang turnilyo sa utak, isa siya sa mga nagpatawa kay Epione habang binabasa ang libro. "Tara, samahan moko papunta sa kaniya" aya ni Epione sa katulong bagao nagsimulang maglakad pero bago pa siya makahakbang ay agad siyang pinigilan ni Manang Jema. "Sigurado ka Duchess? Si prince Alvin… medyo…" hindi na natuloy ang sinasabi ni manang Jema nang hawakan siya ni Epione sa kamay. "Babatiin ko lang ang prinsepe, manang. Hindi naman niya siguro pagdidiskitahan ang Duchess Caddel na asawa ng kaibigan niya" saad ni Epione kaya naman wala nang nagawa si manang Jema kundi tulungan itong magayos para sa pagharap sa ikatlong prinsepe. May malawak na ngiti sa mga labi ni Epione habang naglalakad siya papunta sa waiting room na siyang kinaroroonan ng prinsepe. Kabaliktaran naman ng excitement na nararamdaman ni Epione ay ang kaba na bakas sa muka ni manang Jema at ng iba pang mga katulong. Hindi naman sila masisisi ni Epione. Hindi maganda ang reputasyon ng prinsepe lalo na sa mga kababaihan at tulad ni Asher, iniiwasan din siya ng karamihan pero iba si Epione. Alam niya ang backstory ng prinsepe kaya hindi siya natatakot na harapin ito. "Si prince Alvin? Kelan siya dumating?" Tanong ni Asher kay butler hans nang mabalitaan niya ang pagbisita ng prinsepe. "Kaninang umaga pa siya pumasok sa teritoryo pero ngayon lang siya bumisita dito sa kastilyo, duke" "Ano na namang ginagawa ng lalaking iyon dito" bulong ni Asher, walang pakialam kahit na isang prinsepe ang 'lalaking' tinutukoy niya. "Gusto niyo bang puntahan siya ngayon sa waiting room, my lord?" "No, hayaan mo siyang maghin-" hindi natuloy ni Asher ang sinasabi niya nang bigla niyang maalala ang tungkol sa Duchess pero bago pa siya makapagisip ng malalim ay may kumatok sa pinto ng opisina. Ganitong oras madalas na dumadating ang Duchess para magdala ng tsaa kaya inakala niyang ito ang kumatok kaya walang alin langan niya itong sinabihan na pumasok pero napakunot ang nuo niya nang pumasok ang hindi pamilyar na babae. "Who are you?" "A-a-ahhh.. D-duke" kitang kita ni Asher ang panginginig ng kamay ng babae kaya nanginginig din ang hawak nitong Tray na kadalasang dinadala ng Duchess. Nakaramdam ng pinaghalong inis at pagkadismaya si Asher pero maging siya ay hindi niya alam kung bakit, basta ang alam niya lang ay hindi siya natutuwa na hindi ang duchess ang nasa harapan niya ngayon. "Nasa'n si Duchess Elis?" Matiim na tanong ni Asher, malamig ang boses niya at masama ang tingin sa katulong kaya naman lalo itong nanginig sa takot. "A-ah, n-n-asa wa-waiting room p-" hindi na natapos ng katulog ang sinasabi niya nang tumayo bigla si Asher sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa kaniya. Nabitawan niya ang hawak hawak niyang tray kaya naman nahulog ito sa sahig at nabasag ang tsarera at mga tasa. Akala niya ay katapusan na niya kaya agad siyang lumuhod para magmakaawa na huwag siyang papatayin pero laking gulat niya nang lagpasan lang siya ng nakakatakot na Duke at lumabas ng opisina. Naiwan siyang tulala at nakaluhod sa sahig, hindi maintindihan kung paanong buhay parin siya hanggang ngayon. "Ayos ka lang?" Nagising lang siya sa katotohanan nang marinig niya ang boses ni Butler Hans. Napailing iling si Butler Hans, mukang baguhan palang ang katulong pero malamang ay hindi na 'to magtatangka pang pumasok bukas matapos ng nangyari. *** Kumportableng nakaupo sa malambot na sofa ang isang lalaki. Kulay kayumanggi ang buhok niya na siyang bahagyang nililipad ng hangin na nagmumula sa malalaking bintana na nakapalibot sa waiting room ng kastilyo ng Caddel. Nakakrus ang mga binti niya at nakapatong naman sa sandalan ng sofa ang mga braso niya na para bang siya ang may ari ng lahat ng nasa paligid niya. Iyon ang eksenang naabutan ni Epione nang makarating siya sa waiting room. Hindi agad siya pumasok sa silid at pinagmasdan muna ang magandang nilalang na nasa harapan niya. Bagamat mas gusto ni Epione ang muka ni Asher, hindi niya maikakaila na may itsura din si prince Alvin. Ilang sandali din sigurong tinitigan ni Epione ang prinsepe bago siya nagpasiyang pumasok sa loob para pormal na magpakilala pero bago pa siya makahakbang papasok, biglang may humawak sa kamay niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at mapalingon sa likod niya. Naestatwa si Epione sa kinatatayuan niya nang magtama ang paningin nila ni Asher at hindi niya napigilan ang mabilis ng pagkabog ng dibdib niya. Ito ang unang beses na nakita niya si Asher sa liwanag mula noong unang araw na nagising siya sa mundong ito isang buwan na ang nakakaraan kaya halos makalimutan na niya kung gaano ito ka gwapo. Napatitig si Epione sa asul na mga mata ni Asher na parang nagliliwanag dahil sa repleksyon na nagmumula sa sikat ng palubog na araw. Ilang segundo din siguro ang lumipas bago narealize ni Epione ang nangyayari. "Asher!" Masyadong nagulat si Epione sa nangyayari kaya nakalimutan niyang tawagin si Asher sa titulo niyang 'duke' pero mas lalo pa siyang nagulat nang mapansin niyang nakahawak sa kamay niya ang huli. Agad na lumawak ang ngiti ni Epione at hinawakan ang kamay ni Asher gamit ang dalawang kamay niya. Hindi niya napigilan ang saya niya dahil sa wakas, unti unti nang gumuguho ang mataas na pader na itinayo ni Asher sa paligid niya. Nilipat ni Asher ang tingin mula sa mata ng babae sa harapan niya papunta sa kamay niyang hawak hawak nito. Ang normal na reaksyon niya sa ganitong sitwasyon ay ang itutok ang kutsilyo niya sa leeg ng sino mang nagtangkang hawakan ang kamay niya pero sa hindi mapaliwanag na dahilan ay hindi niya iyon ginawa. "Anong ginagawa niyo dito, Duke?" Tanong ni Epione nang hindi magsalita si Asher. Ibinalik ni Asher ang tingin sa mata ng duchess bago malalim na nag-isip. Bakit nga ba siya nandito? Maging siya ay hindi niya maintindihan. "Nandito ka din ba para batiin si prince Alvin, Duke?" Tanong ulit ni Epione kaya nabalik sa kasalukuyan ang atensyon ni Asher. "...yes" "Oh? Tama ba ang pagkakarinig ko?" Sabay na napalingon si Asher at Epione nang may sumingit bigla sa usapan nila. Doon, naglalakad papalapit sa kanila si prince Alvin. May nakakalokong ngiti sa labi niya habang nakataas ang kilay sa direksyon ni Asher. "Lumabas ang 'duke of death' sa lungga niya at bumaba dito para lang batiin ako? Parang napaka imposible naman ata non" natatawang saad nito bago ibinaling ang tingin kay Epione. "Hello duchess, hindi ko inaasahan na dadatnan pa kitang buhay dito" Author's note:
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorBaubbleGum Archives
December 2020
Categories
All
|